Candles & Flowers One-Stop-Shop, inilunsad sa Marikina

Candles & Flowers One-Stop-Shop, inilunsad sa Marikina

INILUNSAD sa Marikina ni City Mayor Marcy Teodoro ang isang one-stop-shop na maaaring puntahan ng mga nais bumili ng kandila at bulaklak ngayong Undas.

Ang itinayong Candles & Flowers One-Stop-Shop ng LGU ay malapit lamang sa Marikina City Hall na puno ngayon ng mga vendor.

Ani Teodoro, sinadya nilang magtayo ng bazarre sa siyudad dahil mahigpit nilang ipinagbawal ang pagtitinda ng kandila at bulaklak  sa sidewalk.

Kaya lahat ng mga vendor sa paligid ng mga sementeryo sa siyudad ay nilagyan nila ng designated na pwesto para magtinda at hindi kahit saan.

Nagsimula ang operasyon ng one-stop-shop nitong Linggo ng hapon at magtatagal sa November 1 ng gabi.

Nagpasalamat naman ang mga vendor sa pwestong pinahiram ng LGU.

Follow SMNI NEWS in Twitter