Candy Pangilinan, ibinahagi ang katotohanan sa pagpapalaki ng kanyang anak na may autism

Candy Pangilinan, ibinahagi ang katotohanan sa pagpapalaki ng kanyang anak na may autism

NAGPAHAYAG ang actress-comedian na si Candy Pangilinan na marami pa itong dapat matutunan sa pag-aalaga ng kanyang anak na may autism.

Sa kanyang Instagram post, ipinakita ni Candy Pangilinan ang kanyang maingat na pag-aalaga sa kanyang anak.

Makikita sa kanyang post na nais ng aktres na pumasok sa klase ang kanyang anak ngunit tinitiyak muna niya na maayos niyang nakakausap ang kanyang anak tungkol sa bagay na ito.

Aniya, hindi niya agad-agad pipilitin ang kanyang anak at sa halip ay kakausapin niya ito nang masinsinan sa paraang maiintindihan ng kanyang anak.

Dagdag pa ng aktres na sa kabila nito, malaki pa rin ang kanyang pasasalamat sa pagkakaroon ng anak na may special needs dahil tinuruan siya nito na maging matiyaga, mapagparaya at magpasalamat sa mga simpleng bagay sa buhay.

Follow SMNI NEWS in Twitter