Cargo ship, lumubog sa Japan; 13 katao, na-rescue

Cargo ship, lumubog sa Japan; 13 katao, na-rescue

ISANG cargo ship na mayroong 22 kataong sakay ang lumubog malapit sa Nagasaki Prefecture sa Southwestern Japan.

Ang 13 crew members ay na-rescue kasunod ng ‘distress call’ ng vessel noong nagdaang gabi.

Sa kasalukuyan ay hinahanap pa ng patrol boats ang 9 na crew members ng Hong Kong registered vessel na “Jintian” at umaasang mahahanap ang mga ito na sakay ng lifeboats.

Pero ang masusing paghahanap ay nahadlangan naman ng malakas na hangin at maalon na dagat.

Ang barko ay binubuo ng 14 na Chinese crew at 8 Myanmar national na papunta sana sa Incheon South Korea dala ang mga kahoy at iba pang kalakal.

 

 

Follow SMNI News on Twitter