Cargo trucks na nagdadala ng primary goods, hindi dapat ma-delay-PNP

PINAAALAHANAN ng Philippine National Police (PNP) ang lahat ng local government units (LGUs) ng buong Luzon na huwag nang pahirapan pa ang mga cargo trucks na nagdadala ng primary goods sa pagpasok sa kanilang mga lugar.

Ito’y matapos mapansin ng PNP na sobra na rin ang protective measures na ginagawa ng ibang LGUs sa kanilang lugar

Sa panayam ng SMNI News kay PNP Chief of the directorial Staff Lieutenant General Guillermo Eleazar, binigyang-diin nito na kahit isasailalim sa tamang procedure ang mga drivers at pahinante ng cargo trucks, huwag na rin itong pahirapan pa.

“Those who are delivering this cargo will be subjected to health protocols, yung driver niya, yung pahinante, ok lang po yun. Tanggap natin na magkaroon ng delay kaunti. Pero para harangin at huwag papasukin, eh, masyadong selfish po iyan sa isang LGU.”

Nagkaroon naman ng significant improvement ayon kay Eleazar ang ipinatutupad na enhanced community quarantine sa loob ng isang linggo.

Ipinapangako rin nito na mas aayusin nila ang pagpapatupad ng nasabing patakaran para sa kapakanan ng bansa laban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.