Carlo Paalam, naipanalo na ang laban vs Ovezov sa kanilang 2nd face-off

Carlo Paalam, naipanalo na ang laban vs Ovezov sa kanilang 2nd face-off

NAIPANALO ni Carlo Paalam ang kaniyang naging laban kontra Shukur Ovezov ng Turkmenistan nitong Mayo 28, 2024 sa Bangkok, Thailand.

Unanimous ang naging desisyon ng mga judge sa naturang boxing match.

Noong Marso sa kanilang unang laban para sa World Olympic Qualifying Tournament sa Italy ay natalo si Paalam.

Isa sa hadlang ay ang kaniyang injury na nakuha noon dalawang araw bago ang kanilang kauna-unahang face-off ni Ovezov.

Samantala, sunod na makakalaban ni Paalam para sa round of 16 sa 2nd World Boxing Qualification ng Paris Olympics si Artur Bazeyan ng Armenia.

Sa ngayon ay kailangan pa ni Paalam na manalo ng tatlong beses para makakuha ng puwesto sa nalalapit na Paris Games ngayong Hulyo 26 hanggang Agosto 11, 2024.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter