MAGHAHARAP sa semifinals series ng Men’s singles ng Indian Wells open ang second seed na si Carlos Alcaraz at 13th seed na si Jack Draper.
Kasunod ito ng kani-kanilang panalo sa quarterfinals.
Nagwagi si Alcaraz laban kay Francisco Cerundolo ng Argentina sa iskor na 6-3; 7-4 tie breaker points.
Habang nalusutan ni Draper ang 11th seed na si Ben Shelton ng United State sa straight set sa iskor na 6-4; 7-5.
Magaganap naman ang semifinal match nina Alcaraz at Draper sa Linggo, sa Pilipinas.