HINDI pinaporma ng second seed na si Carlos Alcaraz si Grigor Dimitrov sa kanilang paghaharap sa round of 16 ng men’s singles ng Indian Wells Open.
Nagwagi ito via straight set sa iskor na 6-1; 6-1.
Dahil dito, aabante na ito sa quarterfinals kung saan makakaharap nito si Francisco Cerundolo na nagwagi naman laban sa 9th seed na si Alex De Minaur.
Magaganap ang kanilang laro sa Biyernes, Marso 14.
Follow SMNI News on Rumble