Carlos Loyzaga, itinanghal bilang kauna-unahang Pilipino sa FIBA Hall of Fame

Carlos Loyzaga, itinanghal bilang kauna-unahang Pilipino sa FIBA Hall of Fame

ITINANGHAL bilang kauna-unahang Pilipino sa FIBA Hall of Fame ang Filipino basketball player at coach na si Carlos Loyzaga.

Sa isang social media post, isa si Loyzaga sa ilang mga icon na kabilang sa 2023 Hall of Fame class.

Kilala bilang “big difference,” si Loyzaga, na namatay noong 2016 sa edad na 85.

Masaya naman itong tinanggap ng anak nito na si Teresa Loyzaga, ang parangal na natanggap ng kaniyang ama.

Maliban kay Loyzaga, kasama sa 2023 Hall of Fame sina Yao Ming, Yuko Oga, Katrina Mcclain, Penny Taylor, Valerie Garnier, Alessandro Gamba, Sonny Hendrawan, Angelo Victoriano, Amaya Valdemoro, Zurab Sakandelidze, at Wlamir Marques.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter