Carlos Yulo, ‘Athlete of the Year’—PSA

Carlos Yulo, ‘Athlete of the Year’—PSA

NAPILING ‘Athlete of the Year’ ng Philippine Sportswriters Association (PSA) si Carlos Yulo.

Ito’y matapos nanalo si Yulo ng dalawang gintong medalya mula sa 2024 Paris Olympics.

Sa kasaysayan ng bansa, si Yulo ang pangalawang atleta na nakakuha ng gold medal mula sa Olympics kasunod ni Hidilyn Diaz ng weightlifting ngunit siya pa lang ang tanging nakakuha ng dalawang ginto kung kaya’t nararapat lang din ito sa igagawad na parangal ng PSA.

Ang awards night ay gaganapin sa Enero 27, 2025 sa Manila Hotel.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble