Carlos Yulo, pasok sa world championships sa Belgium

Carlos Yulo, pasok sa world championships sa Belgium

SIGURADO nang pasok si Carlos Yulo sa gaganaping world championships sa Antwerp, Belgium ngayong Setyembre.

Kasunod ito sa kaniyang pagkakasungkit ng kauna-unahang medal para sa 2023 Asian Gymnastics Championships na isinagawa ngayon sa Singapore.

Nakuha niya ang medalya para sa men’s individual all-round event.

Bagamat silver ang medalya, hindi naman malayo ang agwat ng iskor ni Yulo na 85.930 mula sa 86.065 ng first place na si Shinnosuke Oka ng Japan.

Pumapangatlo sa naturang event si Takeru Kitazono na may iskor na 85.431.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter