NAKATANGGAP ng karagdagang P20-M mula sa Office of the President (OP) si Pinoy gymnast Carlos Yulo.
Bilang incentive pa rin ito sa kaniyang performance sa 2024 Paris Olympics kung saan nakakuha ito ng dalawang gold medals.
Nauna nang sinabi ng Philippine Sports Commission (PSC) na mayroon ding P20-M si Yulo mula sa kanila dahil katumbas ng bawat Olympic gold medal ay P10-M alinsunod sa batas.
Samantala, nakatanggap din ng karagdagang tig-P2M ang Olympic bronze medalists na sina Nesthy Petecio at Aira Villegas ng boxing mula sa pangulo ng bansa.