MABIBIGHANI ka sa yaman at ganda ng kultura at kasayasayan ng Quanzhou City sa Fujian Province, China bilang isa sa pinakamahalagang port city sa Maritime Silk Road.
Kaya hindi makakaila na kinilala ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) World Heritage Committee ang Quanzhou bilang isang World Heritage Site.
At pagsapit ng gabi, kakaibang cultural experience ang hatid ng Quanzhou sa mga lokal at dayuhang turista.
Hulyo 25, 2021 nang kinilala ng UNESCO World Heritage Committee ang Quanzhou bilang isang World Heritage Site.
At ngayong ikalawang anibersaryo, binuksan ang lugar na tampok ang iba’t ibang produkto noong Song at Yuan Dynasty.
Dito ipinamalas ng mga carving master ang kanilang kasanayan sa pag-ukit sa kahoy, bato, porselana, at ladrilyo.
“All kind of Quanzhou masters, they dedicated long long time to make these skills, the craftsmanship. They are dated back to like Song and Yuan Dynasty, like thousands of years. They passed down from generation to generation,” ayon kay Wendy Wu, Anchor, Quanzhou Maritime Silk Road International Communication Center.
Ang Quanzhou ang isa sa pinakamalaki at pinaka-abalang daungan sa mundo noong Song at Yuan Dynasty.
Naging isang mahalagang exchange hub ang lungsod para sa iba’t ibang sibilisasyon, relihiyon, at produkto.
Night life sa Quanzhou sa China, tampok ang mayaman na kultura at kasaysayan ng lungsod
Tampok pa rin sa kanilang night market ang iba’t ibang lokal na produkto ng Quanzhou City.
Maaaring bumili ng tradisyunal na flower headdress na sinusuot ng kababaihan ng Xunpu Village, mga wood carving, lantern, at klase-klaseng souvenirs.
Puwedeng ma-enjoy tuwing gabi ang napakayaman na Minnan culture sa Quanzhou mula sa mga pag-awit at pagtugtog ng mga instrumento hanggang sa tradisyunal na puppet show.
Quanzho City sa China, ligtas sa mga turista kahit pagsapit ng gabi
Samantala, ipinagmamalaki naman ng Quanzhou ang napakababang crime rate sa lungsod.
Dahil dito, ligtas at mas mae-enjoy ng mga turista ang pag-iikot sa lungsod tuwing gabi.
“It’s very very safe here. Even you’re out like at 3am, in the morning, it’s okay. Safe to go everywhere the whole Quanzhou,” ani Wendy Wu.