Case rate policy ng PhilHealth na itinuturong sentro ng korupsyon, pinabubuwag

Case rate policy ng PhilHealth na itinuturong sentro ng korupsyon, pinabubuwag

PINABUBUWAG ng mga kongresista ang case rate policy ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) dahil ito umano ang nagiging sentro ng korupsyon sa ahensya.

Sa isinagawang imbestigasyon sa Kamara laban sa mga isyu ng korupsyon sa PhilHealth, binira ni Committee on Public Accounts Chairman Mike Defensor ang case rate policy ng insurance company ng bansa.

Taong 2013 pa o sa panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino nang simulang ipatupad ang case rate policy.

Woodprofit

Sa ilalim nito, may nakahanda nang rate o packages na ibibigay sa bawat claimant ano man ang karamdaman o sakit na kanilang idudulog sa PhilHealth.

Ayon kay Defensor, sa case rate system nagmumula ang korupsyon dahil sa halip na ang actual cost lamang ang babayaran sa billing ng isang pasyente ay mas malaking pera ang inilalagak ng PhilHealth.

 Iba pang sentro ng korupsyon sa PhilHealth, ibinunyag ni Garin

Ibinunyag ni dating Health secretary at ngayo’y Iloilo Rep. Janette Garin na hindi lamang ang case rate policy ang gatasan sa PhilHealth.

Sinabi ng kongresista na sentro din ng anomalya ang listahan ng mga miyembro, remittances ng PhilHealth premium at ang reimbursement ng mga ospital.

Natuklasan din sa ginawang pagdinig sa Kamara na naibubulsa ng mga ospital ang sukli o sobra ng package na ibinabayad ng PhilHealth.

Dahil dito, binalaan ni Senior Deputy Majority Leader Boying Remulla ang mga opistal na sobrang maningil sa PhilHealth dahil mananagot din ang mga ito.

Kaugnay nito, sinabi rin ng Commission on Audit (COA) na matagal na nilang pinagsabihan ang PhilHealth na buwagin ang pagpatutupad ng case rate system pero mukhang walang nangyari.

SMNI NEWS

PHOTO JOB

Leave a Reply

Your email address will not be published.