MAAARI nang makuha ng mga empleyado ng San Juan City Government ang kanilang cash gift.
Ayon kay Mayor Francis Zamora, ang mga regular at contractual na empleyado ng LGU ay makakakuha ng cash gift na nasa ATM accounts na nila.
Nagkakahalaga ng Php 5,000 ang cash gift para sa mga nakapag-render ng hindi bababa ng 4 na buwang serbisyo bago mag October 31, 2022.
Para naman sa mga empleyado na wala pang 4 na buwan sa serbisyo bago mag Oktubre 31, sila ay makatatanggap ng pera mula P500 hanggang P2,000 depende sa tagal ng kanilang serbisyo.