MAS pipiliin na lang ni Katherine Cassandra Li Ong na makulong kaysa mag-attend sa isang hearing kaugnay sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Ibig sabihin, ayaw na mag-testify ni Ong.
Ayon ito sa kaniyang abogado na si Atty. Ferdinand Topacio.
Sa hearing ayon kay Ong sa pamamagitan ni Atty. Topacio, mas makakaya pa nito ang makulong kumpara sa ipahiya o mai-bully sa harap ng milyun-milyong Pilipino.
Sa kabila nito ay kinakailangan pa ring dumalo ni Ong sa magiging Senate hearing ngayong Lunes, Setyembre 9.
Si Ong ay isang incorporator ng POGO sa Porac, Pampanga.
Kinikilala rin ito bilang business partner umano ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.