INILIPAT si Cassandra Ong sa Correctional Institution for Women (CIW) mula sa pagkaka-detain sa Kamara.
Nitong Setyembre 25 nang mailipat si Ong.
Ang hakbang ay kasunod sa pagkaka-contempt muli ni Ong dahil sa umano’y pamemeke ng kaniyang school records.
Sa pahayag ng Kamara, bahagi ng legal process ang paglipat ni Ong sa CIW at tiniyak naman anila na ligtas at nirerespeto ang karapatan nito.
Kung matatandaan, nauna na ring sinabi ng kampo nito na mas mainam na lang na makulong siya kumpara sa ma-detain, ma-bully, at mapahiya sa Kongreso.