Catanduanes Governor Joseph Cua at asawa nito, positibo sa COVID-19

NAGPOSITIBO sa coronavirus disease o COVID-19 si Catanduanes Governor Joseph Cua kasama ang asawa nito na si Nancy Cua.

Ayon ito sa kumpirmasyon ni Cua na aniya ay positibo sila sa COVID-19 ngunit mild symptoms lamang ang kanilang nararanasan.

Siniguro naman ni Cua na patuloy ang serbisyo ng kanilang opisina dahil aniya ay nakakapagtrabaho siya sa pamamagitan ng online habang nakasailalim sa quarantine.

Aniya, lahat ng kanyang tauhan sa opisina maging ang kanyang pamilya maliban sa kanyang asawa ay nag negatibo sa virus.

Ngunit ang main building ng kapitolyo ay isasara sa publiko ngayong araw para sa disinfection.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.