NATAPOS na ang Catarman Airport Development Project ng Department of Transportation (DOTr) sa Northern Samar.
Ngayong araw, pinangunahan ni Transportation Secretary Art Tugade kasama si Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Director General Jim Sydiongco ang inagurasyon nito.
Kasama sa naturang development project ang konstruksyon ng passenger terminal building, karagdagang taxiway, perimeter fence, ang pagpapalawak ng apron ng airport, at iba pa.
Mula naman sa limampung pasahero ay umabot na sa isang daan at limampu ang passenger capacity kung saan hanggang limampung libo na pasahero bawat taon ang maa-accommodate ng naturang paliparan.
Makaka-accommodate na rin ito ng dalawang turboprop Q400 aircraft.