IPAGPAPATULOY parin ng Department of Education (DepEd) ang kanilang ipinapatupad na panibagong learning recovery initiative na kung tawagin ay Catch-up Fridays.
Nilinaw ito ni DepEd Usec. at spokesperson Michael Poa sa kabila ng mga natatanggap nilang feedback hinggil sa programa.
Layunin ng learning initiative ang ma-enhance ang kaalaman ng mga mag-aaral sa reading, values, health at peace education.
Unang ipinatupad ang Catch-up Fridays noong January 12 sa lahat ng elementary at secondary schools kasama na ang community learning centers.