INILABAS na ng Binibining Pilipinas ang magiging line up ng kanilang hosts ngayong 2024 Coronation Night.
Ang mga ito ay sina Ruffa Gutierrez, 2016 Miss International Kylie Verzosa at Miss Universe 2018 Catriona Gray.
Maliban sa mga nabanggit, hosts din sina Miss Grand International 2016 First Runner-Up Nicole Cordoves at Miss Universe 2014 Top 10 Seminafinalist Mary Jean Lastimosa para sa finale show.
Samantala, sa performers, ang nakaline-up ay sina TJ Monterde, Maki, SB19, Martin Nievera At Gary Valenciano.