Catriona Gray, hinihikayat ang lahat na pahalagahan ang tatak-Pinoy na sining

Catriona Gray, hinihikayat ang lahat na pahalagahan ang tatak-Pinoy na sining

MULING hinihikayat ni 2018 Miss Universe Catriona Gray ang lahat na patuloy na pahalagahan ang tatak-Pinoy na sining.

Mensahe ito ng beauty queen bilang arts ambassador ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) sa limang sunud-sunod na taon.

Ayon kay Catriona, napapansin niya na medyo may panghihina pa ng loob at kawalan ng seguridad tungo sa pagtataguyod ng tatak-Pinoy na sining.

Subalit nakikita rin aniya na malayu-layo na rin ang narating ng bansa sa nabanggit na larangan.

Ang National Arts Month ay itinakda ngayong Pebrero.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble