Cavaliers at Thunder, nangunguna sa Eastern at Western Conference ng 2024-25 NBA season

Cavaliers at Thunder, nangunguna sa Eastern at Western Conference ng 2024-25 NBA season

NANGUNGUNA ngayon sa Eastern Conference ng 2024-2025 NBA season ang Cleveland Cavaliers.

Sa standings hanggang Disyembre 2, 2024, naka-18 panalo na ang Cavs at sinundan ito ng Boston Celtics na may 16 na panalo; pangatlo ang Orlando Magic na may 15 panalo.

Pang-apat ang New York Knicks na may 12 panalo at panglima ang Milwaukee Bucks na may 10 panalo.

Sa West Conference, nangunguna ang Oklahoma City Thunder na may 15 wins at 5 losses; Houston Rockets na may 15 wins ngunit may 6 losses; pangatlo naman ang Memphis Grizzlies na may 14 wins.

Ang Golden State Warriors ay pang-apat sa standings matapos nagkaroon ito ng 12 wins at 7 losses habang pang-lima ang Dallas Mavericks na may 13 wins ngunit mayroong 8 losses.

Ang 2024-2025 NBA season ay nag-umpisa noong Oktubre 22, 2024 at magtatapos ito sa Abril 13, 2025.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble