CAVITEX Parañaque Toll Plaza, magpapatupad ng mas mataas na toll fees simula Mayo 12

CAVITEX Parañaque Toll Plaza, magpapatupad ng mas mataas na toll fees simula Mayo 12

MAGPAPATUPAD ng mas mataas na toll fees ang CAVITEX Parañaque Toll Plaza simula sa Huwebes, Mayo 12.

Para sa Class 1, itataas na sa P33.00 ang toll fee mula sa dating P25.00.

Nasa P67.00 naman ang toll fee para sa Class 2 mula sa dating P50.00.

Habang nasa P100.00 naman ang toll fee sa Class 3 mula sa dating P75.00.

Follow SMNI NEWS in Twitter