CCTV cameras ng MMDA, gagamitin ng LTO para pagmultahin ang ilegal na gumagamit ng EDSA Busway

CCTV cameras ng MMDA, gagamitin ng LTO para pagmultahin ang ilegal na gumagamit ng EDSA Busway

GAGAMITIN ng Land Transportation Office (LTO) ang CCTV cameras ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para ipatupad ang no-contact apprehension sa mga EDSA Busway violators.

Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza, sa pamamagitan ng CCTV videos, maglalabas na sila ng show-cause orders sa sinumang mga motorista na ilegal na gumagamit ng EDSA Busway.

Matatandaan na ang pinapahintulutan lang na dumaan sa EDSA Busway ang mga bus na aprubado ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB); on-duty na ambulansiya, firetruck at sasakyan ng Philippine National Police (PNP).

Maaari ding dumaan ang service vehicles ng mga may kinalaman sa EDSA Busway Project.

Pahihintulutan ding dumaan sa EDSA Busway ang convoy ng Pangulo, Pangalawang Pangulo, Senate President, House speaker, at Chief Justice ng Supreme Court.

Bilang tugon na rin ani Mendoza ang hakbang sa maliit na bilang ng LTO enforcers na naka-deploy sa EDSA.

Nilinaw naman ng LTO na hindi konektado ang mandatong ito sa No Contact Apprehension Policy (NCAP).

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble