CCTV footage ng tangkang pag-areglo kay Jonathan Morales para tumahimik, inilabas na sa publiko

CCTV footage ng tangkang pag-areglo kay Jonathan Morales para tumahimik, inilabas na sa publiko

INILABAS na ni former PDEA Agent Jonathan Morales ang video ng tangkang pag-areglo sa kaniya para tumahimik at huwag nang dumalo pa sa Senate investigation sa isyu ng PDEA leaks kung saan sangkot si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Si Morales mismo ang naglabas ng video kasabay ng panayam sa kaniya ng political vlogger na si Maharlika.

Sa nasabing vlog, nilinaw ni Morales na hindi siya kailanman lalabas sa publiko at basta na lang magsasalita kung wala siyang hawak na ebidensiya.

“Alam ninyo hindi po ako magsasalita kung wala akong pinanghahawakang ibidensiya ‘nung binanggit ko ‘yung CCTV sa Senado ay na-download ko na ito at naghanda ako ng ilang kopya ng video at sa katunayan tinakpan ko ‘yung binlur ko ‘yung identity nung kaibigan ko at tinranscribe ko ‘yung ilang mga dialogue at madali siyang maintindihan ng nakakapanood noon,” ayon kay Jonathan Morales, former PDEA agent.

“Oo ganito, padre ganito, tayo’y mamamagitan ok kasi nga ‘yung mama pulis, pare nangangamoy director position ah, ha? Director,” kuha sa CCTV.

Kuha ang CCTV footage na ‘yan noong Mayo 1, 2024 araw ng Miyerkules 10:32 ng umaga sa loob mismo ng bahay ni Morales.

Ang taong nakaupo na naka stripes ay si Morales habang ‘yung naka-blur sa video ang kaibigan ni Morales na nakikipag-usap kay James Kumar.

“Ako po ‘yung nakaupo na naka-stripe na blue na walang buhok at ito po ‘yung naka blurred ito po ‘yung aking kaibigan na dati kong kasamahan sa trabaho sa PDEA,” ani Morales.

Paliwanag ni Morales inaalok ang kaibigan niya na maging direktor sa national government ngunit kalaunan ay tila tinatakot na ito na papatayin si Morales kung hindi tatahimik.

“Kung mapapansin nyo sa una parang ang dating tinawagan itong kaibigan ko hindi ko alam kung may previous na sila na pag-uusap ang dating parang tutulungan ako pero nung tumatagal ang pag-uusap nila nandun na ‘yung sinasabi na papatayin ako,” salaysay ni Morales.

“Pare ang gagawin mo lang naman sa kanya ay patahimikin mo na siya eh, tumahimik na siya, ganun lang basta tayo pare ano ba ang sasabihin ko? Take advantage of the situation tayong dalawa hindi hindi naiintindihan ko tulungan natin pare kasi syempre ‘yung mama oo naman pare papatayin ‘yan! alam mo ‘yun papatayin ‘yan, baka masagasaan ‘yan at kung anong mangyari diyan,” kuha sa CCTV.

Sinabi ni Morales na sa nasabing CCTV footage din nabanggit ang pangalan ni James Kumar at LAM o si Liza Araneta Marcos.

“Yung mga habang lumalalim na ‘yung pag-uusap pumapasok na ‘pangalang James Kumar pumapasok na ‘yung bumbay, pumapasok na yung LAM, ‘yung Liza, pumapasok na tinawagan siya nung gabi ‘yung nagsasalita dun sa video call tinawagan siya nung gabi nung James Kumar at ang tinawagan din ang kumausap kay James Kumar ‘yung LAM o yung Liza,” ani Morales.

Sa huli nilinaw ni Morales na ang nasabing video ay tunay at hindi gawa-gawa lang.

“At ito ipinapaalala ko sa lahat na ito ay kuha sa CCTV at hindi ito wired-tap, kumbaga alam ng kaibigan ko na may CCTV kami sa bahay, loob at labas ng bahay, alam nya na kung anumang galaw at maka-capture,” aniya pa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble