Ceasefire at peace talk, ipinanawagan ni VP Sara Duterte sa nangyayaring sigalot sa Gitnang Silangan

Ceasefire at peace talk, ipinanawagan ni VP Sara Duterte sa nangyayaring sigalot sa Gitnang Silangan

NANAWAGAN si Vice President Sara Duterte na huwag pumanig sa iisang partido sa nagaganap na labanan sa Middle East dahil lahat aniya ay talo sa digmaan.

Sa isang video message, ipinahayag ni Vice President Duterte ang pagkabahala sa karahasan na nagaganap sa Gitnang Silangan at ang epekto nito sa mga inosenteng sibilyan lalong-lalo na ang mga bata.

Dagdag pa ni VP Duterte na ang nangyayaring kaguluhan ay hindi lamang makaaapekto sa mga Pilipinong naninirahan sa mga apektadong lugar ngunit pati na rin aniya sa kanilang mga pamilya na umaasa sa kanila.

Kaya aniya kinakailangang maghanda sa posibleng kahirapan na dulot ng sigalot.

Binigyang-diin din ni VP Duterte ang pangangailangan na tiyakin ang food security.

Sa huli, binigyang-diin ni VP Duterte ang kahalagahan na suportahan ang mga mapayapang solusyon para sa pangmatagalang kapayapaan.

Kaniya ring idiniin ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga tao upang isulong ang kapayapaan.

“Mga kababayan, huwag tayo pumanig sa iisang partido dahil lahat ay talo sa digmaan lalong-lalo na ang mga bata. Manawagan lamang tayo ng tigil-putukan at itulak natin pataas ang usaping kapayapaan,” pahayag ni VP Sara Duterte.

Follow SMNI NEWS on Twitter