NAPAPANAHON nang magkaroon ng agaran at pangmatagalang ceasefire sa Gaza.
Ito ang panawagan ng China at Indonesia lalo na’t ilang libong Palestinians sa Gaza na ang nasawi dahil sa digmaan sa pagitan ng Hamas militant group at Israeli military.
Sa panig ng China, maaaring isa sa salarin kung bakit wala pang nangyayaring ceasefire ay ang Estados Unidos.
Sinasabing tinutugunan ng United Nations Security Council ang mga panawagan ng international community hinggil sa pagsasagawa ng review sa draft resolution ng ceasefire para sa Gaza.
Iyon nga lang, palagi itong bini-beto ng Estados Unidos dahil anila, hindi naman isinasali sa ceasefire ang pagpapalaya ng mga hostage.
Para sa ibang bansa gaya ng Indonesia at China maging ang Russia, importanteng hakbang ang magkaroon muna ng ceasefire bago pa ang ibang mga kondisyon.