MATAGUMPAY na naipatupad ang ceasefire sa pagitan ng Israel at Hamas militant group ng Palestine nitong Linggo, January 19, 2025.
Ito’y kahit na-delay ng halos tatlong oras na nagresulta ng pang-aatake ng Israel sa Gaza at ikinasawi ng labing siyam na Palestinians.
Matatandaang na-delay ang pagpapatupad ng ceasefire dahil hindi agad naibigay ng Hamas ang pangalan ng kanilang mga natitirang hostage doon.
Samantala, dahil natuloy na ang ceasefire ay inaasahan ang Israel na palalayain na rin nila ang halos 90 na Palestinians na kanilang mga hostage.