Cebu Bus Rapid Transit, magiging fully operational sa 2023

MAGIGING fully operational na ang Cebu Bus Rapid Transit (CBRT) System sa taong 2023.

Ayon kay Assistant Secretary Anthony Gerard ‘Jonji’ Gonzales ng Office of the Presidential Assistant for the Visayas, magiging partially operational ang CBRT sa katapusan ng taong ito.

“The DOTr (Department of Transportation), through Secretary Arthur Tugade, maintains that even if we are struck by the COVID pandemic, they remain to target partial operation of the project by December 2021 and full operation by January 2023. The next big step for Cebu BRT is land acquisition and bidding,” pahayag ni Gonzales.

Dagdag pa ni Gonzales, Pebrero 8 nang maabot ang publication and bidding stage ng CBRT Package 1 at aniya ay nakatakdang makumpleto ang Package 1 sa Disyembre ng taong ito.

Ang Package 1 ay may apat na bus stations mula sa Cebu South But Terminal (CSBT) hanggang sa Capitol area, sa kahabaan ng Osmeña Blvd., Cebu City.

Ang unang Package ay aabot sa 2.38 kilometro ng bus lane mula sa CSBT hanggang sa Capitol area.

Ang Package 2 at Package 3 naman ay ang pagtatag ng trunk service mula sa SRP hanggang CSBT na dadaan sa Natalio Bacalso Avenue at mula sa Capitol hanggang IT Park na may mga terminal sa SRP at IT Park.

Ang tatlong Package ay Phase 1 ng CBRT habang ang Phase 2 ay kasalukuyan pang pinaplano.

Ang Cebu BRT ay may 23 kilometrong habang bus lane mula sa Bulacao patungong Talamban kabilang ang South Road Properties.

Bahagi ang nasabing proyekto sa naplano nang Metro Cebu Integrated Inter-modal Transportation System o MCIITS.

“The MCIITS seeks to integrate a monorail system, a cable car system and BRT to provide an efficient public land transportation,” Gonzales explained. “It will answer the problem on traffic congestion in Metro Cebu,’ ayon kay Gonzales.

Maliban sa Cebu Bus Rapid Transit, marami pang mga kabahagi ng proyekto kagaya ng monorail at ferry boat services mula sa Carcar City hanggang sa Danao City maging ang cable car mula sa Lahug patungong Busay, Cebu City.

SMNI NEWS