Cebu Chamber, pinarangalan bilang COVID-19 Hero Chamber of the Year

HUMAKOT ng parangal ang Cebu Chamber of Commerce and Industry (CCCI) sa ginanap na 4th Annual APAC Chamber of Commerce Awards ng Glue Up.

Tumanggap ng COVID-19 Hero Chamber of the Year Award ang CCCI dahil sa kahanga-hangang  ipinamalas ng organisasyon sa pakikibaka sa hamon na dulot ng coronavirus disease o COVID-19.

Nakilala ang CCCI dahil sa pakikipagtulungan nito sa mga government, non-government organizations at sa alta-sosyedad sa pakikipaglaban sa COVID-19.

Naging ‘best project’ ang “COVID-19 Solidarity Fund & Initiatives” at ang “Project Balik Buhay” (PBB) na pinangunahan ng CCCI ayon sa Glue Up.

Nag-donate sa kanilang  COVID-19 fund drive ang nasabing chamber na nagkakahalaga ng P5-M na mga personal protective equipment, face shields, at mga medical supplies sa mga front-liners.

Namahagi rin ng relief goods ang CCCI sa mga apektadong pamilya.

Samantala, naging malaking kontribusyon din ang PBB ng chambers na isang joint project nito sa gobyerno sa pakikipaglaban sa COVID-19 pandemic sa bansa.

SMNI NEWS