Cebu City, nalulugi ng P60-K kada araw, dahil sa pagkakasara ng CCSC

Cebu City, nalulugi ng P60-K kada araw, dahil sa pagkakasara ng CCSC

UMAABOT na sa P60-K ang nawawala kada  araw sa Cebu City government dahil sa  pagkakasara sa publiko ng Cebu City Sports Center (CCSC).

Ito ang sinabi ni Mayor Michael Rama, kaugnay sa ongoing renovation ng sports center na gagamitin sa nalalapit na 2023  Palarong Pambansa.

Inihayag ni Rama na ang halagang nawawala   ngayon ay maliit lamang kumpara sa kikitain nito sa oras na muling magbukas ang pasilidad para sa big event.

Base sa Sports Facility Management Data,  nasa 700 ang average user kada araw ng CCSC habang ang track oval lamang nito ay kumikita na ng P17,500 dahil sa entrance fees noong bukas pa ito.

Maliban dito, ang kinikita mula sa swimming pool, aerobics and zumba session, badminton court rental, table tennis rental, volleyball court rental, at parking fees.

Sinabi naman ni Rama na inaasahang matatapos ang renovation ng CCSC sa 4 – 6 na buwan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter