Cebu City, pinalawig ang ECQ; Metro Manila, mananatili sa GCQ hanggang July 15

Cebu City, pinalawig ang ECQ; Metro Manila, mananatili sa GCQ hanggang July 15

PINALAWIG pa ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Cebu City habang mananatili namang nasa General Community Quarantine (GCQ) ang National Capital Region (NCR) hanggang Hulyo 15.

 

Ito ang inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang public address at sinabing ang pag-extend sa community quarantine ng nabanggit na mga lugar ay upang makontrol pa ang health pandemic.

 

Una rito, umapela si Cebu City Mayor Edgar Labella na luwagan ang restriksyon sa kanyang syudad sa GCQ sapagkat ang lungsod aniya ang nagsisilbing “gateway” ng mga negosyo at turismo sa Central Visayas.

 

Gayunpaman, muling sinermunan ni Pangulong Duterte ang mga Cebuano at ipinunto ang katigasan ng kanilang ulo at hindi pagiging masunurin sa quarantine rules at iba pang health measures na siyang naging sanhi ng pagkalat ng COVID-19.

 

“Cebu is now the hotspot for COVID. Bakit? marami sa inyo hindi sumunod ,” pahayag ng Pangulo.

 

Ikinumpara naman ng Presidente ang Cebu City sa Metro Manila na inilarawan niyang solidong tumatalima sa quarantine protocols.

 

Samantala, maliban sa NCR, mapasasailalim din sa GCQ simula ngayong araw, Hulyo 1 ang mga sumusunod: Benguet, Cavite, Rizal, Lapu-Lapu City, Mandaue City, Leyte, Ormoc, Southern Leyte, kasama rin ang Talisay City, Minglanilla, at Consolacion sa Cebu Province.

 

Mapasasailalim naman sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang mga sumusunod:

– CAR: Abra, Baguio, Ifugao, Kalinga

– Region I: Ilocos Norte, La Union, Pangasinan

– Region II: Cagayan, Isabela

– Region III: Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Angeles City

– Region IV-A: Batangas, Laguna, Quezon, Lucena City

– Region IV-B: Palawan, Puerto Princesa City

– Region V:  Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Naga City

– Region VI: Capiz, Iloilo, Iloilo City, Negros Occidental, Bacolod City

– Region VII: Bohol, Negros Oriental, the Rest of Cebu Province not under ECQ or GCQ

– Region VIII: Tacloban, Western Samar*

– Region IX: Zamboanga City, Zamboanga Del Sur

– Region X: Bukidnon, Misamis Occidental*, Misamis Oriental*, Cagayan de Oro*

– Region XI: Davao del Norte, Davao del Sur, Davao City, Davao de Oro

– Region XII: Cotabato, South Cotabato

– Region XIII: Agusan del Norte, Butuan

– BARMM: Lanao del Sur, Maguindanao

 

Ang mga lugar na may asterisk (*) ay ang inanunsyo ni Duque ngunit hindi na mensyon ni Pangulong Duterte nang binasa niya ang listahan sa naganap na virtual address.

 

Kaugnay nito, inilahad ni Health Secretary Francisco Duque III na ang ibang mga lugar naman ng bansa na hindi nabanggit ay babagsak sa “low-risk” modified general community quarantine classification.

 

JHOMEL SANTOS

Leave a Reply

Your email address will not be published.