IKINATUWA ni DPWH Secretary Mark Villar ang naging progreso ng Cebu-Cordova Link Expressway kung saan ito ay 80% nang tapos sa kabila ng pagkaantala ng proyekto.
Positibo ang CCLEX, maging ang DPWH na makakamit ang full completion ng Cebu-Cordova Expressway Link bridge bago magtapos ang taong 2021.
Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, maari nang magamit ng publiko ang tulay sa unang quarter ng taong 2022 kung saan mapabilis nito ang biyahe na aabot sa 80 kilometers per hour sa loob ng 20 minuto mula sa Cebu City patawid sa munisipalidad ng Cordova.
“Maganda naman po ang progress at nakikita nyo naman po ‘yung mga technology na ginagamit dito sa CCLEX na katulad din sa ginagamit sa bridge sa Pasig River. Mabilis naman ang construction and very soon mapakinabangan natin itong CCLEX isa sa pinakamahaba at pinakamataas na bridge sa Pilipinas,” pahayag ni Villar.
Ayon sa President at General Manager ng CCLEX Allan Alfon, pinagtutuunan ngayon ng pansin ng kanilang kompanya ang pag konekta sa main deck ng tulay na kung saan bahagi ito sa 20% pa na kailangan nilang tapusin.
“This inspection is also an opportunity for us to thank the DPWH for being a reliable partner during the construction, particularly in observing safety standards at the CSCR (Cebu South Coastal Road) and ensuring better access to the project site at the Mactan side,’’ ayon kay Alfon.
Inaasahang 40,000 mga sasakyan ang maaring gumamit sa CCLEX araw-araw na laking ginhawa dahil sa traffic decongestion sa dalawang naunang tulay ng Mactan at Cebu.
Maliban sa 30 billion toll bridge project na ito ng gobyerno ay binisita rin ni Villar ang ibang proyekto ng administrasyon sa Mactan, Cebu bilang bahagi ng upgraded national highway system na makakatulong upang lumuwag ang mga pangunahing kalsada.
“We are putting priority on the completion of a remaining section of the ongoing Gabi-Pilipog coastal highway, also in Cordova.”
“This section will significantly help improve the road network on Mactan Island, especially the accessibility between the Mactan-Cebu International Airport and the Cordova Coastal Highway,” dagdag ni Villar.