DUMAGSA ang halos dalawang libong mga Cebuano para sa proclamation night ni senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy sa J & J Basketball Court sa Liloan, Cebu noong araw ng Martes, Pebrero 11, 2025.
Ayon sa organizer ng Pastor Apollo C. Quiboloy for Senator Movement, nationwide ang naturang rally, na kung saan 4 dito ay ginanap sa Visayas na kinabibilangan ng Iloilo, Bacolod at Ormoc.
Gobyerno, nagkamali sa panunupil sa KOJC—Pastor Apollo C. Quiboloy for Senator Movement
“Ang malaking kamalian nila ay kinulong nila si Pastor. Ngayon, nagsilitawan na ang milyong ulo na pinag-iwanan ni Pastor para tumayo at manindigan at magpatuloy ng kaunlaran sa Kingdom Nation, kasama ang mga kapatiran, members at supporters na nandito ngayon. Iyan ang malaking pagkakamali nila,” pahayag ni Allan Tamondong, Executive Campaign Manager, Pastor Apollo C. Quiboloy for Senator Movement—Visayas
Matapos ang kontrobersiya na naganap sa komunidad ng The Kingdom of Jesus Christ (KOJC) at sa naranasang panggigipit mula sa pamahalaan, mas lalong nagkaisa ang KOJC at naging dahilan ito para tumakbo ngayon sa pagkasenador si Pastor Apollo C. Quiboloy.
Para naman sa kaklase at matalik na kaibigan ni Pastor Apollo na si Martin Pusta, noon pa man servant leader na si Pastor Quiboloy. Isang katangian din nito ang pagiging mapagpakumbaba, kahit napakalago na ng kaniyang paglilingkod.
“Being humble is number one quality of a leader is humility, and he has that value. He is a servant leader. So i told him accept the challenge, accept the challenge that is a new appointment for you to lead the Filipino people and i’m happy for that. I know, he will make it. He will make it,” masayang paliwanag naman ni Martin Pusta, Elementary and High school classmate ng Butihing Pastor.
Kaya naman, suportado rin ng mga kaibigan mula sa New Young Pilipino Defenders at Christia Business & Christian Professionals at iba pang mga kakilala ni Pastor Apollo ang pagtakbo nito sa pagkasenador para mapaganda rin nito ang Pilipinas, tulad ng nagawa nito sa KOJC.
Nagbigay din ng mensahe ng kanilang suporta kay Pastor Apollo C. Quiboloy ang PPP Partylist, ang partido na sumusuporta sa adbokasiya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
“Kaya sa ating mga minamahal na mga Cebuano, huwag kayong mag-alala, dahil sa panahon na makaupo na sa gobyerno si Pastor, hindi siya uupo diyan para sa pera. Hindi niya nais ang kapangyarihan, hindi niya nais ang pera. Hindi niya nais ang posisyon kung bakit siya ngayon tumatakbo. Ang nais niya [ay] magserbisyo sa mga Pilipino,” pahayag naman ng PPP Partylist, ang partido na sumusuporta sa adbokasiya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
FPRRD supporters, suportado rin si Pastor Apollo C. Quiboloy sa pagtakbong senador
Nasubok man ang ugnayan, tuloy pa rin ang pagkakaibigan nila Pastor Quiboloy at dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Kasama rin si Pastor Quiboloy sa opisyal na inindorso ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan kasabay ng iba pang mga senador.
Tulad ni Gubernatorial Candidate at Maisug Convener na si Pamela Baricuatro, ramdam nito ang taumbayan na nagnanais ng tatak Duterte na istilo ng liderato, kaya suportado rin nito si Pastor Apollo C. Quiboloy.
“We need gyud to support leaders like Pastor Quiboloy who has tremendous love for the country for the people. Tremendous love gyud for the country, God and the people. So let us all stand together and let us support Pastor Apollo Quiboloy in his vision for a brighter Philippines,” pahayag ni Pamela Baricuatro, Gubernatorial Candidate, Cebu
Nakasama din sa proclamation night ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang kilalang political commentator na sila Eb Jugalbot at Jun Abines na parehong taga suporta ni PRRD at PDP-laban na kung saan ay parehong dumanas ng panggigipit mula sa pamahalaan.