SIMULA sa Oktubre 27, muling bubuksan ng Cebu Pacific ang direktang flight nito mula Iloilo patungong Hong Kong na may apat na beses sa isang linggo.
Ito’y tuwing Martes, Huwebes, Sabado, at Linggo habang ang mga flight ng Hong Kong papuntang Iloilo ay tuwing araw ng Lunes, Miyerkules, Biyernes, at Linggo.
“With the resumption of flights to Hong Kong, CEB will be the only airline to operate international flights from Iloilo. We hope this will also make air travel even more affordable and accessible for a wider range of passengers in the Visayas Region,” ayon kay Candice Iyog, Chief Marketing and Customer Experience Officer, Cebu Pacific.
Kung dati-rati ang mga pasahero mula sa Iloilo ay kailangang mag-book ng connecting flights mula Manila at gumugol ng hanggang 12 oras na pagbibiyahe upang maabot ang Hong Kong na may mga lay over.
Sa mga direktang international flight ng CEB na iniaalok mula sa Iloilo, hindi na kailangang gumastos ang mga pasahero ng karagdagang pasahe sa kanilang ticket.
Dahil mula Iloilo, tatlong oras na lang ang gugugulin para marating ang Hong Kong kung saan mas makakatipid hindi lang sa oras kundi pati na rin ang gastusin ng pamasahe.
Ang mga pasahero mula sa Iloilo ay maaari ding makatipid ng hanggang 20% sa round-trip air na pamasahe kumpara sa pag-book ng mga connecting flight papuntang Hong Kong.
At bukod pa rito ang mga pasahero ng CEB ay maaaring mag-book ng mga flight mula Iloilo papuntang Hong Kong sa halagang PHP 1 one-way base fare ng hanggang Hulyo 31, 2024.
Ang panahon ng paglalakbay ay mula Oktubre 27, 2024 hanggang Marso 29, 2025.
Kasalukuyang lumilipad ang CEB sa 35 domestic at 25 international destination sa buong Asya, Australia, at Middle East.
Maaaring gamitin ng mga pasahero ang existing Travel Funds upang mag-book ng mga flight at mag-avail ng iba pang mga add-on.