Cebu Pacific, magkakaroon ng direktang flight ng Clark-Taipei simula Abril

Cebu Pacific, magkakaroon ng direktang flight ng Clark-Taipei simula Abril

MAGKAKAROON na ng direct flights ang Cebu Pacific mula Clark International Airport papuntang Taipei sa Abril 29.

Mas mabibigyan na ng kaginhawaan ang mga biyahero mula sa Northern Luzon patungong Taipei.

4 na beses kada linggo tuwing Martes, Huwebes, Sabado, at Linggo habang ang mga pabalik na flight mula sa Taiwan ay magsisimula sa Abril 30 na mag o-perate  ng  4 na beses sa isang linggo tuwing Lunes, Miyerkules, Biyernes, at Linggo.

Ang Taiwan ay kilala bilang tahanan ng sikat na Shilin Night Market na nagtatampok ng iba’t ibang souvenir shop at food stall.

Sikat din ang bansa dahil sa vibrant city life nito sa lungsod at matatayog na skyscraper, kabilang ang 1,667 talampakan ang taas na Taipei 101.

Ang Taipei ang pinakabagong destinasyon na kabilang sa lumalaking Clark hub ng Cebu Pacific.

Matatandaang, una nang inanunsiyo ng airline na magsisimula na itong magpatakbo ng mga direktang flight mula Clark papuntang Incheon, Bangkok, Hong Kong, Macau, Narita, at Singapore, at sa 7 destinasyon sa buong Pilipinas.

Ang CEB ay maglalagay ng 3 aircraft sa Clark International Airport.

Kabilang ito sa 10 bagong Airbus NEO na sasakyang panghimpapawid na ihahatid sa 2023.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter