UMABOT sa 2.6 milyon ang bilang ng mga pasaherong sumakay sa Cebu Pacific (CEB) noong Enero 2025, tumaas ito ng 33.4% kumpara sa parehong buwan noong 2024.
Sinabi ng Cebu Pacific, ang paglago ng mga pasahero ay dahil sa malakas na demand sa panahon ng Bagong Taon, na sinuportahan ng karagdagang mga flight at mga bagong ruta na inilunsad noong 2024.
Ang domestic passenger traffic ay tumaas ng 34.6% na may seat load factor (SLF) na 87%.
Lumagpas na sa 84 ang bilang ng mga domestic routes ng CEB mula sa 68 noong nakaraang taon, na may 2,912 weekly flights, 29% na mas mataas kumpara sa 2,260 weekly flights noong nakaraang taon.
Samantala, ang international passenger traffic ay lumago ng 29.9% na may SLF na 85.1%.
Umabot na sa 40 ang bilang ng international routes ng CEB mula sa 36 noong nakaraang taon, na may 648 weekly flights, 16% na mas mataas kumpara sa 561 weekly flights noong nakaraang taon.
Ayon kay Alexander Lao, President and Chief Commercial Officer ng CEB, ang malakas na demand sa paglalakbay ay dahil sa holiday travel at sa pagpapalawak ng network at kapasidad ng airline.
Mayroon na ngayong 124 routes ang CEB, mula sa 104 noong nakaraang taon.
Patuloy aniya ang pagsisikap ng CEB na ma-optimize ang kapasidad upang matugunan ang tumataas na demand ng mga konsyumer, habang pinamamahalaan din ang mga isyu sa engine at supply chain.
Follow SMNI News on Rumble