PANDAGDAG lang sa mga taong dadalo sa campaign sorties ang mga celebrities.
Ayon kay Political Analyst Dr. Antonio Contreras sa panayam ng SMNI News, kaunti lang ang porsyento na maiaambag sa endorsement ng isang celebrities para sa magiging boto ng kanilang kandidato.
‘’Matagal na po natin iyan napag-usapan at naitanong na namin iyan sa mga survey namin before, masyadong maliit ang epekto ng endorsement ng mga celebrities sa pagboto ng mga tao. Mas malinaw po sa kanila na iba iyong showbiz at iba din iyong pagboto,’’ ayon kay Contreras.
Samantala, pinaalalahanan ni Contreras ang publiko na huwag padalos-dalos sa pagkomento hinggil sa isang kandidato lalong-lalo na kung ini-uugnay ito sa NPA.
Totoo naman aniya na may ini-endorso talaga ang NPA na kandidatong sa tingin nila ay pabor sa kanilang interes subalit mali rin kung sabihin agad na may sabwatan na ang dalawang panig.
Aniya, kailangan pa ng mga ebidensya bago masabing may alyansa na nga sa pagitan ng NPA at isang kandidato.