MAAARING magsilbi bilang instruktor ang mga celebrity reservist ng Reserve Officers’ Training Course (ROTC) at magbigay inspirasyon sa mga mag-aaral.
Ayon kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa, ang mga aktor tulad ni 2nd Lt. Matteo Guidicelli, beauty pageant titlist na sina Winwyn Marquez at Beatrice Luigi Gomez ay maaaring sumailalim sa isang Instructor Development Course (IDC).
Aniya, nangangamba siya na baka walang sapat na tauhan ang Department of National Defense (DND) para sa tinatayang 2,400 paaralan sa buong bansa na mangangailangan ng hindi bababa sa 4 na instruktor bawat isa.
Binigyang-diin ni Dela Rosa na magandang hakbang ito para mawala ang pangamba sa mga pang-aabuso gaya ng hazing.