Celeste Cortesi, nakakita ng mga bagong kapatid sa Miss U 2022

Celeste Cortesi, nakakita ng mga bagong kapatid sa Miss U 2022

NAKAHANAP ng mga bagong kapatid sa Miss Universe 2022 si Celeste Cortesi nang sumali ito sa pageant.

Ayon kay Celeste, nang makapasok siya bilang bahagi ng kalahok ng Miss Universe Philippines ay doon nabuo siya bilang empowered woman at ito ang isang bagay na kanyang pahahalagahan sa natitirang bahagi ng kanyang buhay.

Aniya, kailangan niyang isantabi ang lahat ng kanyang mga takot, pangamba at ang kanyang pinakamalaking hamon ng di pagtitiwala sa sarili.

Samantala sa Instagram post ni Beatrice Luigi Gomez, ang dating Miss Universe Philippines, ay nagpahayag din ng mensahe kay Celeste na “sobrang proud” siya at kumpiyansa siyang mananalo ito sa 71st Miss Universe Pageant.

Gayunpaman, si Miss Universe Philippines Tourism Michelle Dee ay nagbigay din ng isang mensahe kay Celeste sa kanyang post na nagbabaliktanaw sa kanyang-kanyang Miss Universe Philippines run, sinabi nito na “well-deserved” ang panalo ni Celeste at siya ay “totoong kaibigan.”

Follow SMNI News on Twitter