Celine Dion, binati ng karamihan sa 2024 Grammys; Unang pagharap sa publiko bilang presenter mula nang magkasakit

Celine Dion, binati ng karamihan sa 2024 Grammys; Unang pagharap sa publiko bilang presenter mula nang magkasakit

BINATI ng karamihan sa mga dumalo sa 2024 Grammys si Canadian Legendary Singer Celine Dion.

Ito’y dahil ang pagdalo sa event ang kauna-unahan nitong public appearance simula nang inanunsiyo niya ang pagkakaroon ng sakit na kung tawagin ay stiff-person syndrome.

Ang naturang sakit ang naging sanhi upang ikansela ng singer ang karamihan sa kaniyang concert schedules.

Sa 2024 Grammys naman, si Dion ang presenter ng Album of the Year Award na nakuha ng singer-songwriter na si Taylor Swift.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble