Centralized 911 System sa bansa, isinusulong

Centralized 911 System sa bansa, isinusulong

ISINUSULONG ng Office of Civil Defense (OCD) ang pagkakaroon ng Centralized National 911 System sa bansa.

Ayon kay OCD Administrator Usec. Ariel Nepomuceno, target sa Centralized 911 System ang magamit ito tuwing may krimen o kalamidad.

Paraan na rin aniya ito upang maiwasan ang pagkalito ng publiko kung saan hihingi ng tulong lalo na’t binubuo ang disaster management ng bansa ng iba’t ibang attached agencies.

Suportado naman ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang plano na ito ng OCD.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble