CGPAF LtGen. Connor Canlas Sr., tampok sa SMNI Exclusive kasama si Pastor Apollo C. Quiboloy

CGPAF LtGen. Connor Canlas Sr., tampok sa SMNI Exclusive kasama si Pastor Apollo C. Quiboloy

TAMPOK sa SMNI Exclusive ang Commanding General ng Philippine Air Force (PAF) na si LtGen. Connor Anthony Canlas, Sr. araw ng Biyernes, Nobyembre 25.

Sa kanyang panayam kasama ang Honorary Chairman ng SMNI na si Pastor Apollo C. Quiboloy, ibinahagi ni LtGen. Canlas ang pangunahing layunin ng PAF na magkaroon ng isang malakas at mapagkakatiwalaang hukbong panghimpapawid.

Ito ay upang magkaroon ng pagkakataon ang PAF na makipagsabayan sa modern warfare at mas mapabilis ang pagtugon sa national at regional security.

Kabilang na nga rito ang Flight Plan 2028 at 2040.

“Ang Philippine Air Force po has crafted the Flight Plan 2028 and 2040. Ang objective po natin is to have a credible and agile air force adaptable to modern warfare and responsive to national and regional security and development,’’ ayon kay LtGen. Connor Anthony Canlas, Sr.

‘’Sa ngayon, we are gaining grounds ‘yung atin pong nakalatag sa Flight Plan ng Core Competency from air defense systems, IC4S, surface strike capabilities, mobility support search and rescue, at ISR, ‘yung Intelligence Surveillance Reconnaissance System, nasa 78% po kung titingnan po natin,” ani Canlas.

Nagpasalamat si LtGen. Canlas sa suporta ng pamahalaan sa modernisasyon hindi lang sa Philippine Air Force kundi pati na rin sa mga kasundaluhan.

“Kaya, kami po ay nagpapasalamat sa gobyerno na sinusuportahan ang modernization ng Armed Forces, not only sa Philippine Air Force but pati ‘yung ating mga kasundaluhan, ang kanilang mga skills necessary to operate these platforms ay natutugunan din po,’’ saad ni Canlas.

Inaasahan naman nito na sa mga susunod na araw ay maidedeliver na ang Flat Force on Surface Strike Capability, Attack 129 helicopter at sa mga susunod na deliveries naman ay inaasahan nito ang multirole fighter para sa air defense capability.

“Ang ini-expect po natin sa susunod na mga araw ay deliveries po ng mga Flat Force on Surface Strike Capability, ‘yung ating Attack 129 helicopters. And then the future deliveries po ‘yung multirole fighter para po sa air defense capability,” paliwanag nito.

Follow SMNI NEWS in Twitter