Cha-Cha hearings sa Senado, tanging tututukan ang gagawing pagbabago sa ekonomiya—Sen. Angara

Cha-Cha hearings sa Senado, tanging tututukan ang gagawing pagbabago sa ekonomiya—Sen. Angara

TANGING pokus ng gagawing Senate hearings tungkol sa Charter Change (Cha-Cha) sa Lunes, Pebrero 5, 2024 ay pang-ekonomiya lamang.

Sinabi ni Sen. Sonny Angara, hindi nila tatalakayin ang anumang may kaugnayan sa politika gaya ng term limits ng mga nakaupong opisyal.

Kaugnay sa gagawing pagbabago sa economic provisions ng 1987 Constitution ay posibleng may ilang industriya na maapektuhan dito, ayon sa senador.

Samantala, inamin na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na napopolitika ang People’s Initiative (PI) bilang paraan tungo sa pagkakaroon ng Cha-Cha.

Sinabi ng Pangulo, ito ang dahilan kung bakit hiniling niya sa Kamara at Senado maging sa ilang indibidwal na may malawak na kaalaman sa usapin na gumawa ng solusyon upang maiwasan ang kontrobersiya.

Partikular na aayusin ani Pangulong Marcos ang mapanatiling magkahiwalay na boboto ang Kamara at Senado para sa anumang pagbabago na gagawin sa 1987 Constitution.

Kung sisilipin, sa PI ay magkakaroon ng joint voting ang Kamara at Senado.

Sa panig ng mga senador, madedehado sila kung ikukumpara sa mahigit 300 mambabatas sa Mababang Kapulungan kung kaya’t tutol sila sa prosesong ito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble