HINDI magic na solusyon ang Charter Change (Cha-Cha) o ang pagbabago sa Konstitusyon.
Ito ang iginiit ni Sen. Nancy Binay ukol sa isinusulong na pag-amyenda sa economic provisions ng 1987 Constitution bilang solusyon sa pang-ekonomiyang suliranin ng bansa.
Ani Binay, ang problema ng bansa ay hindi agad mawawala kung maaaprubahan ang pagbabago ng Saligang Batas.
Aniya, ang dapat pagtuunan ng pansin ay ang pagpapababa sa presyo ng mga pangunahing bilihin na siyang numero unong concern ng bawat Pilipino batay na rin aniya sa mga lumalabas na survey.
Nabanggit din ni Binay na mga naging resource person sa mga pagdinig ng Senado sa Cha-Cha na karamihan ay nagsasabing hindi napapanahon ang pagpapalit ng Konstitusyon.
Kaya naman, sinabi ni Binay sa mga kapwa mambabatas at sa publiko na pakinggan muna ang mga bihasa kaugnay dito bago magbigay ng desisyon.