Cha-cha ng Duterte admin, walang itinago—Cong. Bebot Alvarez

Cha-cha ng Duterte admin, walang itinago—Cong. Bebot Alvarez

PINUNA ni dating House Speaker Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez ang kasalukuyang hakbang ngayon para amiyendahan ang 1987 Constitution gamit ang people’s initiative (PI).

Pabor sa Charter change (Cha-cha) si Alvarez ngunit masidhi nitong tinututulan ang nangyayari ngayon na PI.

Nauna nang kumalat sa mga balita na binabayaran umano kapalit ng ayuda ang pumirma ng mga pabor sa PI upang amyendahan ang Saligang Batas.

Ngunit, marami sa mga ito ay hindi naintindihan ang isyu ng Cha-cha.

Pahayag ni Alvarez, iba ang takbo ng Cha-cha noong Duterte administration dahil ‘walang itinago’ sa publiko sa hangarin na gawing federal form of government ang pamahalaan ng bansa.

Diin niya, malinaw ang tahak ng Duterte administration kumpara sa kasalukuyang liderato at kahit sino noon ay puwedeng silipin ang draft constitution.

Idiniin din ni Alvarez na ‘since at hindi makasarili’ ang tahak ng nagdaang administrasyon para baguhin ang Saligang Batas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble