IGINIIT ni House Speaker Martin Romualdez na bukas ang mga senador sa panukalang Constitutional convention (Con-con) para luwagan ang 1987 Constitution.
Ito ang nakuhang commitment ni Romualdez nang makausap nito sa telepono araw ng Linggo si Senate President Migz Zubiri.
Saad ni Romualdez, tiniyak sa kaniya ng Senate leadership na mananatili ang pagiging ‘open minded’ sila sa Con-con para sa Charter Change (Cha-cha).
Katunayan, inaantay na lamang nila ang committee report ni Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes ni Senator Robin Padilla para sa proper committee action.
Subalit, hindi na muna matutuloy ang pagtalakay ng Senado ngayong araw para sa Cha-cha.
Tiwala naman si Romualdez sa assurance na nakuha nito kay Zubiri sa isyu ng Cha-cha.
“I trust that other senators will continue to join SP Migz in keeping their mind open on amending restrictive economic provisions of the Constitution,” ayon sa House Speaker.