Cha-cha Petition ni Sen. Padilla, pinuri ng ex-Chief Justice

Cha-cha Petition ni Sen. Padilla, pinuri ng ex-Chief Justice

NABUHAYAN ng loob si Sen. Robin Padilla sa sinabi ni dating Chief Justice Artemio Panganiban tungkol sa petisyon sa Korte Suprema kaugnay sa Charter-change.

Sa petisyon ni Robin na isinumite sa nakaraang linggo ay pinareresolba nito ang isang mahalagang isyu sa pag-amyenda sa 1987 Constitution: kung dapat magkasama o magkahiwalay bang boboto ang miyembro ng Senado at Kamara.

Sa isang kolum sa isang pahayagan, pinuri ni Panganiban ang “patriotic intentions” ni Padilla at ang kaniyang pagharap sa Korte Suprema ng nasabing usapin.

Ayon kay Panganiban, bagama’t may tatlong mahirap na isyu ang kaharap ng petisyon ni Padilla, hinahangaan niya ang makabayang intensiyon ng mambabatas.

Dagdag niya na hindi dapat ibasura nang basta-basta ng korte ang petisyon ni Padilla dahil sa mahalagang issue nito.

Nagpasalamat naman si Padilla kay Panganiban sa kaniyang sinabi. Aniya, ito ang magiging inspirasyon niya kung kakailanganin niyang ilatag ang argumento nito sa korte.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble