Chairman ng isang OFW group, nais paimbestigahan ang isyu hinggil sa mga missing balikbayan boxes

Chairman ng isang OFW group, nais paimbestigahan ang isyu hinggil sa mga missing balikbayan boxes

MISTULANG walang pakialam ang pamahalaan sa mga nawawalang balikbayan boxes.

Ito ang inirereklamo ni OFW Assistance Advocates Chairman Jeffrey Balsa sa isang panayam sa SMNI News kaugnay rito sa kanilang reklamo na ilang taon na at wala pa ring aksiyon.

Isiniwalat na rin ni Balsa na isinasailalim sa auction ang balikbayan boxes na unclaimed sa halagang isang libo hanggang apat na libong piso.

Sa kabila nito, kahit mistulang binabalewala sila ay nananatiling hiling pa rin ni Balsa ang aksiyon ng pamahalaan hinggil sa mga hinaing na ito ng Overseas Filipino Workers (OFWs) kasabay ang pagpapanagot sa mga abusadong carrier at mga sangkot sa pagkawala ng mga balikbayan boxes.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble