APRUBADO na ng World Aquatics ang change of nationality ng swimmer na si Kayla Sanchez.
Mula sa pagiging Canadian ay ganap ng Pinoy ang swimmer at epektibo ito agad nitong Hulyo 6.
Dahil dito, maaari nang irepresenta ni Sanchez ang Pilipinas sa anumang international competitions.
Sa magiging 19th Asian Games sa Hangzhou, China ngayong Setyembre 23 hanggang Oktubre 8 ay maglalaro na para sa Pilipinas ang swimmer.
Noong nakaraang 2020 Tokyo Olympics, Canada ang nirepresenta ni Sanchez.